Buwan ng Wika

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito ay may temang, “Filipino: Wikang Mapagpalaya”. Ito rin ang nagsilbing basehan upang mabuo ang konsepto ng, “Banhaw” na ang ibig sabihin ay “buhaying muli”. Hangarin ng gawaing ito na buhaying muli ang paggamit ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa nagbabagong mundo. Ito rin ang pinaghanguan ng departamento ng General Education sa pagbuo ng mga konsepto at mga aktibidad para sa nasabing gawain.

Mula rito ay nabuo ang mga aktibidad sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na: HARAYA: Ang Paskil ng mga Imahinasyon (Digital Poster), DALISAY: Pagpapamalas ng Purong Kaanyuan at Busilak na Kagandahan (TikTok Video), PINTAKASI: Ang Pagbigkas ng mga Salita, Damdamin, at Paniniwala (FlipTop), PANAGYAMAN: Ang Galaw ng Kasalukuyan at Kasaysayan, KARILAGAN: Lakan at Lakambini sa Makabagong Panahon (Pageant), at SILAKBO: Ang Muling Pagdagundong ng Musika at Instrumento (Battle of the Bands). Ang mga aktibidad na ito ang bumuo sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng Midway Colleges, Inc.

Ang aktibidad na, “HARAYA: Ang Paskil ng mga Imahinasyon (Digital Poster)” ay ginanap noong nakaraang ika-9 ng Agosto taong kasalukuyan. Nilahukan ang ansabing aktibidad ng labing siyam (19) na mag-aaral mula sa mga departamento ng Marine Transportation, Marine Engineering, at College of Business. Ang tema ng digital poster na kanilang nilikha ay ang mismong tema ng buwan ng wika para sa taon na ito na, “Filipino: Wikang Mapagpalaya”. Noong nakaraang ika-16 ng Agosto taong kasalukuyan ay inanunsyo ang mga nagwagi sa patimpalak na ito kung saan hinirang si, Kurt Austin Panganiban mula sa departamento ng Marine Transportation bilang ikatlong karangalan, Janelle Moises mula sa department ng Pangangalakal bilang ikalawang karangalan, at Lea Mae Torres mula rin sa departamento ng pangangalakal bilang bilang unang karangalan.

Ang patimapalak naman na, DALISAY: Pagpapamalas ng Purong Kaanyuan at Busilak na Kagandahan (TikTok Video) ay hango naman sa viral na konsepto ng, Piliin mo ang Pilipinas kaugnay ng DRIVEN VALUES ng ating institusyon. Nilahukan ito nina: Jarius Padilla mula sa departamento ng Marine Transportation, Rajaya Robles mula sa departamento ng Cruise Ship Hotel and Restaurant Services (CSHRS), Precious Dionisio, Yvan Angelie Tan, at Sydney Nhicole Ayson mula lahat sa departmento ng Pangangalakal. Bawat isa ay nagpamalas ng angking talento at pagiging malikhain sa patimpalak na ito ngunit sa huli ay hinirang si Precious Dionisio bilang ikatlong karangalan, Yvan Angelie Tan bilang ikalawang karangalan, at Sydney Nhicole Ayson bilang unang karangalan. Isinagawa ang pagpaparangal sa mga nanalo noong ika-16 ng Agosto taong kasalukuyan.

Isa sa mga bagong patimpalak ng buwan ng wika para sa taon na ito ay ang, “PINTAKASI: Ang Pagbigkas ng mga Salita, Damdamin, at Paniniwala (FlipTop)”. Nilahukan ang nasabing patimpalak ng tatlong kalahok. John Christopher Labrador at Green Bell Florida kapwa mula sa departamento ng Pangangalakal at Sioubvanne Jas Santiago mula sa departamento ng Marine Engineering. Sa una ay nagtapat sina G. Labrador at G. Santiago sa paksang pagpili sa mga magiging lider ng ating bansa. Nagwagi si G. Santiago rito at hinarap si G. Labrador para sa huling laban. Dito ay pinagusapan nila ang paksa kung paanong mas patuloy pang bubuhayin ang wikang Filipino sa mundo ng edukasyon. Naging mainit ang laban ngunit sa huli ay hinirang na kampeon ng FlipTop si G. Sioubvanne Jas Santiago mula sa departamento ng Marine Engineering noong ika-16 ng Agosto taong kasalukuyan, Naidagdag din sa mga patimpalak sa Buwan ng Wika ang, “PANAGYAMAN: Ang Galaw ng Kasalukuyan at Kasaysayan”. Nakilahok ang bawat departamento sa patimpalak na ito na ginanap noong ika-16 ng Agosto taong kasalukuyan. Itinanghal ng departamento ng high school ang sayaw na, Kappa Malong. Banga  naman ang itinanghal ng departamento ng Pangangalakal. Sa kabilang banda ay naghanda naman ang departamento ng CSHRS sa kanilang pagtatanghal ng sayaw na

Manmanok. Bumayah Uyuay sa bahagi ng Marine Engineering at sayaw na Tarektek sa departamento ng Marine Transportation. Ang bawat isa ay naghanda sa kanilang pagtatanghal bitbit ang kani-kanilang mga konsepto hinggil sa mga sayaw na napunta sa kanila. Sa huli ay itinanghal na ikatlong karangalan ang departmento ng High school, ikalawang karangalan ang departamento ng CSHRS at parehas naman nasungkit ng departamento ng Pangangalakal at departamento ng Marine Transportation ang unang karangalan. Muli namang isinagawa ng departamento ng General Education ang patimpalak na, “KARILAGAN: Lakan at Lakambini sa Makabagong Panahon (Pageant)”. 

Nilahukan ito ng limang pares mula sa limang departamento ng Midway Colleges, Inc. na sina: Alessandra Pajarit, Princess Diane Balazo, at Lawrence Mayor mula sa departamento ng Marine Tranposrtation. Mariane Gonzales at Claus Padre mula sa departamento ng Pangangalakal. Mariel Rena at Lawrence Ayson mula sa departamento ng CSHRS. 

Bea Gonzales at Lei Ezekiel Apuntar mula sa departamento ng High school at John Benedict Dimaano mula sa departamento ng Marine Engineering. Nahati sa tatlong bahagi ang nasabing patimpalak, ang production number, ang malikhaing kasuotan, at ang tanungan. Sa bahagi ng production number ay nagpamalas ang mga kalahok ng husay sa pagsasayaw suot-suot ang mga kasuotang gawa sa telang ibinigay sa kanila ng departamento. Itinanghal sina Lei Ezekiel Apuntar at Mariane Gonzales bilang Best in Production. Sa bahagi naman ng malikhaing kasuotan ay ipinamalas nila ang kanilang husay sa pagdadala ng mga damit na ginawa mismo ng kani-kanilang mga departamento, gawa ang mga ito sa mga recyclable materials. Itinanghal naman sina Bien Ayson at Princess Diane Balazo bilang Best in Creative Costume. Hinirang naman bilang Best in Advocacy at People’s Choice Award sina Lawrence Mayor at Princess Diane Balazo.

Sa bahagi naman ng tanungan ay ipinamalas ng mga kalahok ang
kanilang husay sa pagsagot ng mga katanungang may kinalaman sa buwan ng wikang pambansa. Sa huli, itinanghal sina Bien Ayson at Princess Diane Balazo bilang 2nd runner up, Lawrence Mayor at Mariane Gonzales bilang 1st runner up, at Ginoo at Binibining Karilagan 2024 sina Bea Mae Gonzales at Lei Ezekiel Apuntar na pawang nagmula sa departamento ng High school.  

Ang huling patimpalak ng Buwan ng Wika ay ang, “SILAKBO: Ang Muling
Pagdagundong ng Musika at Instrumento (Battle of the Bands). Isinagawa ito noong ika 17 ng Agosto taong kasalukuyan sa open ground ng Midway Colleges, Inc. Sa patimpalak na ito ay kinakailangang makapagtanghal ng dalawang (2) orihinal na musikang Pilipino at ang opsiyal na kantang bibigyan ng iba’t ibang bersyon, ang “Alapaap”. Nilahukan ito ng walong (banda) mula sa iba’t ibang departmento. 

Ang mga lumahok na banda ay ang mga sumusunod: Ecclesiandra, The Tempest, Padayon, CNTRL X, Aduana Anchor, Caramat & Friends, Bandaritas, at The Buoys. Bawat isa ay naghanda sa nasabing patimpalak ngunit sa huli ay itinanghal na 2nd runner up ang
bandang Bandaritas, 1st runner up ang bandang The Buoys, at Caramat & Friends bilang kampeon ng Battle of the Bands 2024. Tunay na makasaysayan ang pagdiriwang ng buwan ng wikang Pambansa para sa
taon na ito. Sa kabila ng iba’t ibang suliranin ay patuloy pa rin itong naitaguyod tulad ng pagtindig natin sa wikang Filipino. Nawa’y patuloy nating hirangin ang wikang Filipino kahit pa sa nagbabagong mundo.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.