Online seminar for Buwan ng Wika – Reyzeljan Delos…
Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika – Online seminar ni Reyzeljan Delos Trinos
Kaisa ang Midway Colleges SHS Department sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang
Nagbahagi si Reyzeljan Delos Trinos ng kanyang kaalaman sa wika at pagsusulat noong ika-30 ng Agosto taong 2020.
Ang nasabing webinar ay ginanap sa pamamagitan ng online seminar via Zoom na ipinalabas naman sa Midway Colleges Facebook page. Mga mag-aaral ng SHS ang mga naging tagapakinig nito.
Si Reyzeljan DL Trinos ay isang manunulat, mananaliksik, at manggagawang pangkaunlaran. Siya ay nagtatrabaho bilang Senior Technical Officer sa ilalim ng Pambansang Komisyon Laban sa Kahirapan. Nakapaglathala siya ng mga tula at sanaysay, kabilang ang dalawang koleksyon ng mga kuwentong may pamagat na Orbituaries (2019) at Delirium (2018). Itinanghal siya ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) bilang pinakabatang Mananaysay ng Taon noong 2016 bilang pagkilala sa kaniyang sanaysay hinggil sa virtual na espasyo. Kasalukuyan siyang nagsusulat ng komprehensibong pagsusuri tungkol sa COVID-19 sa lente ng kalusugang pang-ekonomiya.
Tinalakay ni Delos Trinos ang malikhaing pagsulat sa malikhaing paggamit ng wika. Ayon sa kanya, ang malikhaing pagsulat at binubuo ng 50% wika at 50% pagkamalikhain. Nakaugat ang mga ito sa karanasan ng mga tao ngunit pinagyayaman ng malikhaing paggamit ng salita.
Ayon sa kanya “Ang malikhaing pagsulat ay hindi ito ikinukulong ng wika, bagkus pinapalaya ng panitikan at wika ang isa’t isa. Kwento din ang nagbibigay ng danas, contemplation, face to face communication, between and among ourselves, trina-translate natin into long term memories.”
Matapos ang diskusyon, nagkaroon naman ng open forum. Nagkaroon ng pagkakaton ang mga mag-aaral na magtanong ukol sa proseso ng pagsusulat.
Isa sa mga tanong mula sa mag-aaral ay “Bilang nais na maging manunulat, ano po ang dapat kong gawin at taglayin?”
Sinagot naman ito si Delos Trinos ng “Kailangan ng paglilimi, yung contemplation. Lahat tayo may araw-araw na danas, beyond that mundane, importante na may expertise at paghahanap ng koneksyon. Sa isang ordinaryong tao, pagtawid ng kalsada, yun ay isang simpleng danas na kaya mong hanapin ng mas malalim na karanasan, yung simpeng karanasan than what they are intended.
Stories are everywhere, kailangan lang na ipakita mo sa iyong mga kasama na makikita nilang teksto sa pang-araw araw, ugnayan ng salita ng uniberso at ng sarili, lalo na ngayon, dumadami ang human interest stories.
Success stories na meron tayo lalo na sa front liners. Pick your interest, lahat naman ng tao may interest, kailangan lang pagyamanin.”
Maayos na natapos ang diskusyon.
Patuloy naman na hinikayat ni Delos Trinos ang mga mag-aaral na magsulat ng kanilang mga karanasan sa araw-araw na buhay at pagyamanin ito sa malikhaing paraan.